^

Punto Mo

Higit 600 na look-alike ni Charlie Chaplin, nagtipon sa Switzerland para sa bagong world record

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

DAAN-DAANG fans ni Charlie Chaplin na naka-costume ng katulad ng sikat niyang karakter ang nagtipon sa Switzerland upang gunitain ang dapat sana’y kanyang ika-128 na kaarawan.

Nasa 662 na katao ang nagtipun-tipon, kaya naman nakapagtala sila ng bagong world record pagdating sa pinakamadaming Charlie Chaplin look-alike na nagtipun-tipon sa isang lugar.

May hawak na tungkod at nakasuot ng pekeng bigote at maluluwag na pantalon ang mga lumahok dahil ito ang porma ng pinakasikat na karakter ni Chaplin na kung tawagin ay ‘The Tramp.’

Ang karakter na ito ang nagbigay ng kasikatan kay Chaplin noong 1920s at 1930s.

Sa dating mansyon ni Charlie Chaplin sa Lake Geneva sa Switzerland nagtipon ang mga kalook-alike. Sa mansyong ito tumira si Chaplin ng 25 taon hanggang siya’y yumao noong 1977.

Isinabay na rin ang pagtitipon ng mga fans sa unang anibersaryo ng Chaplin’s World Museum na nagbukas noon lamang isang taon.

Simula nang magbukas ang museo ay nasa 300,000 na ang bumisita dito, patunay na kahit 40 taon na ang lumipas matapos siyang namayapa ay sikat na sikat pa rin si Chaplin.

CHARLIE CHAPLIN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with