^

Pang Movies

Aktres na tumanggap ng raket, may nakaabang na demanda!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Nagngingitngit ang isang businesswoman sa feeling sikat na female celebrity na ito dahil hindi raw nito sinipot ang isang event kung saan nangako itong darating.

Binigyan ng malaking raket si female celebrity ng businesswoman na ito at naglambing ito kung puwede siyang dumalo sa launch ng mga bagong beauty products niya.

Um-oo naman si female celebrity, pero humingi ito ng talent fee para sa pagpunta niya. Hindi raw niya sasabihin sa manager niya ang tungkol sa event para solo niya ang talent fee.

Walang problema sa businesswoman dahil tiwala naman siya sa female celebrity. Agad-agad itong nag-deposit ng talent fee sa account ni female celebrity. Three times ang singil ni female celebrity at hindi humingi ng tawad ang businesswoman.

Pagdating sa araw ng launch, 30 minutes na lang at magsisimula na pero wala pa ang female celebrity.

Tinawagan siya ni businesswoman at sey pa ni female celebrity ay kakatapos lang daw niya sa salon at papunta na ito.

Pero nagsimula ang event at natapos ay hindi nagpakita ang female celebrity. Hiyang-hiya ang businesswoman dahil nagpagawa pa ito ng tarpaulin na special guest niya ang female celebrity.

Ilang beses niyang tinatawagan pero hindi ito sumasagot.

Noong ibang tao na ang tumawag sa number ni female celebrity, iba raw ang sumagot. Noong hanapin daw ang female celebrity, sinabi noong kausap na tulug na tulog daw ang female celeb dahil kakauwi lang mula sa isang inuman.

Kaya sobrang imbiyerna ang businesswoman dahil naisahan siya ng female celebrity. Nagpadala siya ng ilang galit na text sa female celebrity na ibalik ang dineposit niyang pera or else magkakademandahan sila.

Derrick seryosong pakasalan si Bea

Para sa Kapuso hunk na si Derrick Monasterio, hindi lang daw pang-girlfriend ang ka-loveteam niyang si Bea Binene kundi pang misis na rin daw.

Nasa friendship level pa rin daw ang relasyon nila Derrick at Bea. Kung magkakaroon daw sila ng relasyon, pang-matagalan na raw iyon at diretso na sa pagpapakasal.

“Si Bea kasi, pinakakasalan ‘yan. Hindi siya ‘yung babaeng pang-goodtime lang or pang-display. She’s a wife material.

“Kaya kung magkakatuluyan kami, kailangan ay seryosohan na. As in, siya na ang huling babae sa buhay ko at ako ang huling lalake sa buhay niya.

“Ganyan kami mag-isip ngayon.  Mas­yado na kaming serious,” ngiti pa ni Derrick.

Pagkatapos ng tambalan nila sa Tsuperhero, magkatambal pa rin sila sa aabangan na telefantasya ng GMA-7 na Mulawin Vs. Ravena.

Magkasama sa training ang dalawa dahil mas madugo raw ang mga gagawin nilang fight scenes sa MVR.

MariaH Carey kinalasan na ang dyowang back up dancer!

Confirmed na nakipaghiwalay na ang singer na si Mariah Carey sa kanyang 33-year old dancer-boyfriend na si Bryan Tanaka.

Ayon sa isang Hollywood source: “The split happened very recently. Mariah ended it — everyone hoped that she would. She has better things to focus on. Mariah is happy. She is focusing on her kids and new music.

“Bryan was a good distraction after she split from James. This is a good time for her to be single and focus on herself.”

Ayon sa report ng TMZ, isa sa dahilan kung bakit nakipag-break ang 47-year old diva kay Tanaka ay dahil sa pagiging magastos nito at masyadong seloso.

Pinagseselosan daw nito ay ang ex-husband ni Mariah na si Nick Cannon.

Kahit na kasi divorced na ang dalawa, nagkikita pa rin sila bilang magkaibigan at bilang ama ito ng kambal na anak nilang sina Moroccan and Monroe.

Sa reality show ni Mariah na Mariah’s World nabunyag ang matagal nang pag-ibig ni Tanaka kay Mariah, pero engaged ito sa Australian billionaire na si James Packer.

Noong maghiwalay sina Mariah at James, doon na inamin ni Tanaka na matagal na siyang may tinatagong pag-ibig kay Mariah.

Unang naging back-up dancer ni Mariah si Tanaka ay noong 2006.

DERRICK MONASTERIO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with