Rapist ang mga kapitbahay
HALOS lahat nang kasong rape ay ginagawa na walang nakakakitang testigo. Kadalasan ay tanging ang biktima lang ang makakakilala sa kanyang rapist. Pero paano kung bulag ang biktima, paano niya makikita at ituturo ang kanyang rapist? Tatanggapin ba ng korte ang kanyang testimonya kahit pa hindi niya talagang nakita ang kriminal? Masasagot ang tanong na ito sa kaso ni Caridad.
Isang maganda ngunit bulag na dalaga si Caridad. Nakatira siya sa isang barrio sa probinsiya ng Visayas kasama ang kanyang pamilya. Kabilang sa mga kaibigan ng kanyang kapatid na si Dindo ay sina Jaboy at Bino. Nagagandahan ang dalawa sa dalaga at madalas na tumatambay sa kanilang bahay.
Isang gabi, sinamantala nina Jaboy at Bino ang pagpunta ng magulang at kapatid ni Caridad sa siyudad. Pinasok nila ang bahay ni Caridad habang ito ay nag-iisa. Inutusan nila ang babae na humiga at tinakot na papatayin kapag hindi sumunod sa kanilang gusto. Hinubaran ni Bino si Caridad samantalang tinalian naman ni Jaboy ang mga kamay ng pobreng babae at hinawakan ang mga paa habang pinagsasamantalan ni Bino. Pagkatapos ay si Jaboy naman ang gumahasa sa kanya. Matapos makuha ang gusto ay umalis na ang dalawa bago pa maabutan ng pamilya ni Caridad.
Nang dumating ang pamilya ay agad na isinumbong ni Ca-ridad ang nangyaring pagyurak sa kanyang pagkababae. Nang sumunod na araw ay agad na pumunta sa presinto ang mga magulang ni Caridad at inireport ang pangyayari. Pinatingnan din si Caridad sa isang doctor na gumawa ng medical certificate patunay sa istorya ni Caridad. Kinasuhan sina Bino at Jaboy ng qualified rape (three counts). Pero si Jaboy lang ang nahuli dahil nakatakas si Bino at patuloy na nakakawala.
Sa korte ay kinuwento ni Caridad kung paano siya tinakot na papatayin nina Jaboy at Bino pagkatapos ay halinhinan na ginahasa ng dalawa. Pinaliwanag ni Caridad na nakilala niya ang boses nina Bino at Jaboy dahil kaibigan sila ng kapatid niyang lalaki at madalas na pumupunta sa kanilang bahay. Inamin niya na tatlong beses siyang ginahasa ng bawat lalaki. (Itutuloy)
- Latest