Aktor napagkamalang Pasko ang Mahal na Araw!
Matindi ang pangako ng isang male personality na talagang iiwasan na niya ang mga bagay-bagay na walang magandang nagawa sa kanyang karera. Magbabagong-buhay na raw siya.
Malaking-malaki ang kanyang pasasalamat sa mga taong sa kabila ng lahat ay nagtitiwala pa rin sa kanya, lalo na ang isang babaeng personalidad na hindi pa rin sumusuko sa pag-asa na isang araw, magkakaroon din ng positibong resulta ang ginagawa nitong pagsuporta sa aktor, pinasasalamatan ‘yun ng male personality.
Pero naguguluhan sa sitwasyon niya ang mga nagbabantay-namamahala sa kanya sa isang institusyon. May mga pagkakataong naniniwala na ang mga ito sa malaking pagbabago ng direksiyon ng buhay niya, pero may mga oras din namang parang hindi, kaya matatagalan pa siguro du’n ang male personality.
Kuwento ng isang source, “Okey na siyang pauwiin, sabi ng mga nandu’n, dahil madalas namang maayos na maayos ang isip niya. Pero may mga time rin na nagdadalawang-isip sila, may mga ginagawa pa rin kasing ibang-iba ang takbo ng disposition nu’ng male personality.
“Like nu’ng minsan, lahat ng mga kasamahan niyang mas matanda kesa sa kanya, pati ang matatanda na dumadalaw sa mga kamag-anak nila sa loob, e, pinagmanuhan niya. Lahat!
“Ang akala naman ng mga dalaw, e, talagang ganu’n siya karespeto, nagmamano kasi siya, pero naloka sila sa mga kasunod na pangyayari. Naglitanya si ____(pangalan ng male personality).
“Ang sabi niya, e, once a year lang daw naman ang Christmas, kailangan daw pinahahalagahan ang araw na ‘yun, kaya nu’ng nakapagmano na siya sa pinakahuling matandang dalaw, e, bumati siya ng Merry Christmas sa lahat ng mga nandu’n!
“Nakakaloka siya! Nagkatinginan na lang ang mga nandu’n, napailing naman ang iba, kasi nga, pinanindigan na nu’ng male personality na Pasko nu’n, kaya nagmamano siya sa lahat.
“Hindi pa siya puwedeng pauwiin, kailangan pa niyang mag-stay du’n, hanggang sa maisip niya na malapit na ang Semana Santa at napakalayo pa ng Pasko,” napapailing na kuwento ng impormante.
Ubos!
Fans nina Alden at Maine napasukan ng mga kalaban
Nagtataka lang kami, nagpapanggap lang kayang mga tagasuporta ng AlDub ang mga namba-bash sa direktor ng serye ng magka-loveteam, o mga tunay na loyalista nina Alden Richards at Maine Mendoza ang mga ito?
Ang pagkakaalam kasi namin sa fans na tunay na nagmamahal at nagmamalasakit sa kanilang mga idolo ay hindi nananakit ng mga taong tumutulong sa kanilang mga hinahangaan.
Pero kung makapagsalita ang mga taong ‘yun ay parang wala nang bukas, inuupakan nila ang direktor ng serye nina Alden at Maine, kaya raw hindi ‘yun umaangat sa rating ay dahil sa poor direction ng palabas.
Bakit naman ilalaglag ng mga tunay na tagahanga nina Alden at Maine ang kanilang serye? Bakit kakayaning pintasan ng mga taong ‘yun ang mismong show na dapat nga ay iniaangat nila sa labanan?
May duda kami na nagpapanggap lang na maka-AlDub ang mga naninirang ‘yun, nagpapakilala lang silang fans ng loveteam, pero ang totoo ay sila ang unang-unang nagbabagsak sa pinagbibidahang serye ng tambalan.
May mga loyalista bang ganu’n? Sila ang unang-unang nagbibigay ng insinwasyon na hindi nagre-rate ang palabas ng kanilang iniidolo, dahil sa hindi mahusay na pagdidirek ng kapitan ng serye?
Nakikipaglaban nang patayan ang mga tunay na fans, hindi nanglalaglag ng mismong idolo nila, kaya nakapagdududa ang mga nagpo-post ng paninira sa direktor nina Alden at Maine. Kung ang mga Noranian nga, may mga pruweba nang semplang ang proyekto ng kanilang idolo, pero nakikipagrambulan pa ang mga ito.
Kailangang mag-loyalty check ang mga tunay na tagasuporta ng AlDub. Baka nasisingitan sila ng mismong mga kalaban nila. Baka may humalong masamang damo sa kanilang hanay na ang totoong misyon ay ang pabagsakin ang loveteam.
- Latest