^

PSN Palaro

SLAM Rising Stars Classic mapapanood sa S+A

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Babanderahan nina UAAP Season 79 Juniors MVP Juan Gomez-De Liano at NCAA Season 92 Juniors MVP Troy Mallilin ang ikaapat na SLAM Rising Stars Classic na ipapalabas nang LIVE sa S+A sa Linggo at may livestreaming sa sports.abs-cbn.com.

Ito ang inihayag ng SLAM Philippines, ang local edition ng sikat na basketball magazine sa Amerika, sa isang presscon sa Resorts World Manila na dinaluhan nina Germy Mahinay at Sam Abu-Hij­leh ng San Beda at John Lloyd Clemente ng NU na magpapakitang-gilas sa nasabing all-star game na gaganapin sa Gatorade Hoops Center sa Mandaluyong.

Ikinatuwa nina ABS-CBN Integrated Sports head Dino Laurena at SLAM Philippines mana­ging editor Miguel Rocha ang muling pagtatambal ng S+A at SLAM Philippines para maibida ang galing ng mga batang basketball player ng Pilipinas.

“Masaya kaming mag­hatid ng marami pang aksyon sa basketball sa S+A at ang maganda pa rito ay ang posibilidad na maging ganap na superstar ang mga batang ito sa mga susunod na henerasyon at kasama nila kami sa bawat hakbang nila patungo rito,” sabi ni Laurena. 

vuukle comment

JUAN GOMEZ-DE LIANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with