^

PSN Palaro

PSC pinuri ang Ilocos Sur sa pagho-host ng RIAA

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Bantay, Ilocos Sur -- Pinuri ng Philippine Sports Commission ang Ilocos Sur dahil sa matagumpay na pagbubukas ng 2017 Region 1 Athletic Association meet (R1AA) sa President Elpidio Quirino Stadium.

Nakita ni Director Mark Albert Velasco ng PSC ang kagandahan ng Quirino Stadium na kamakailan lang ay dumaan sa rehabilitasyon at naihanda para sa nasabing pang-rehiyong kompetisyon.

Sa nasabing venue idinaos ang mga sports events kagaya ng football, athletics track, basketball, tennis, volleyball, swimming at boxing.

Minsan na ring nagamit ang tinatawag nilang “state of the art” football field nang maglaro ang Philippine Azkals at Australian Perth Glory noong Hulyo ng nakaraang taon.

Nakikita ng PSC ang Ilocos Sur na magiging sports training center sa buong rehiyon.

“Kami nga doon sa Phil. Sports Commission, wala kaming ganito kagandang stadium, that is why I am very thankful for the support of Gov. Ryan to the Sports Commission” ani Velasco.

Nagpapasalamat naman si Gov. Ryan Singson dahil napili ang Ilocos Sur na pagdausan ng R1AA 2017.

Tiniyak niya na maayos at komportable ang pamamalagi rito ng higit siyam na libong delegasyon mula sa labing apat na distrito ng rehiyon na binubuo ng mga atleta at sports officials.

Sa pagtatapos kaha­pon ng R1AA 2017 ay pag­hahandaan naman ng Ilocos Sur ang posibleng pagho-host ng Palarong Pambansa.

R1AA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with