^

Pang Movies

Sofia Andres bukas na bukas ang third eye!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Nakakakita raw ng multo ang young actress na si Sofia Andres sa personal niyang buhay. Sinabi raw niya sa director ng Pwera Usog na si Jason Paul Laxamana ang mga nangyayaring ‘yon sa kanya.

Kaya naman nang tanungin kung meron ba siyang nakikita sa loob ng Valencia Events Place kung saan ginawa ang grand media-con ng Regal movie, tugon niya, “Huwag na po at baka matakot kayo kapag sinabi ko kung meron! Ha! Ha! Ha!”

Komo nga tungkol sa pamahiing Pinoy na usog o bati ang movie, ayon kay Sofia, “It’s not ‘yung napapanood nating horror. ‘Ay, horror, alam na natin ‘yan. Korni ‘yan. Kasi Pilipino.’

“But no! Ibang horror movie. Very millennial dahil makaka-relate sila rito, ‘yung teenagers,” saad ni Sofia.

Naniniwala raw siya sa usog dahil nu’ng bata pa siya eh naranasan na niya ito. Bilang pangontra, pinalawayan ang tiyan ni Sofia upang mawala ang bisa ng usog.

Pagkatapos makitang naka-two piece Kiko love na uli si Barbie

Hindi umalma ang parents ni Barbie Forteza nang pagsuutin siya ng two-piece swimsuit sa beach scene niya sa Meant To Be na ipinalabas kahapon. Nasa legal age na rin kasi ang Kapuso Primetime Princess although mukha pa rin siyang bata.

Nang mabasa si Barbie na may beach scene siya with the boys, Ken Chan, Jak Roberto, Addy Raj at Ivan Dorschner,  “Cut agad ako ng carbs. Wala agad carbs, maliit na chicken for protein and egg whites, plus saging na saba.”

Kaya naman nang lumantad ang alindog ni Barbie sa apat na kapareha, tulo-laway ang feeling nila dahil first time na tumambad sa harap nila ang katawan ng young actress. 

Hunk na hunk rin ang dating nila kahit na board shorts lang ang suot.

Nakita rin ni Kiko Estrada, ang ex-boyfriend ni Barbie, ang makalaglag-brief niyang kaseksihan, Napa-wow ang young actor sa dating ng ex-GF.

“Seksi na siya sa paningin ko noon pa man. Hiwalay man kami ngayon, wala pang pumapasok sa puso ko na kapalit niya.

“I still love her. Kailangan lang naming mag-focus sa amin career. It was a case of a right love at the wrong time,” pahayag ni Kiko sa presscon ng Pwera Usog.

 

vuukle comment

SOFIA ANDRES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with