^

PSN Palaro

Andrada isinalba ang Batangas

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Nakabangon ang Batangas sa 22 puntos na pagkakalugmok bago kubrahin ang 97-96 panalo laban sa Wangs Basketball kahapon sa 2017 PBA D-League Aspirants’ Cup sa JCSGO Gym sa Cubao.

Lubog sa 92-70 sa ikaapat na kanto, naghagis ang Batangueños ng 27-4 bomba na tinuldukan ng go-ahead tip ni Yutien Andrada sa huling 11.9 segundo para makuha ang panalo.

“At halftime, I challenged the players and told them if they didn’t have pride. I told them to find it within themselves to make a way and it’s a good thing that we were rewarded with this,” ani Batangas coach Eric Gonzales.

Nagrehistro si Cedrick De Joya ng 19 puntos tampok ang 10 sa huling yugto kasama pa ang limang rebounds habang umani naman si Joseph Sedurifa ng 18 markers, 11 boards at pitong assists para sa Batangas.

Nakahugot naman ng kabuuang 13 points at 11 rebounds si Andrada sa kanyang unang laro para sa Batangas samantalang may pinagsamang 20 puntos sina Raymond Inciong at Jhygrus Laude.

Umangat sa 2-4 ang Batangas habang gumulong sa 1-5 ang Wangs na nakakuha ng 21 puntos mula kay Von Tambeling.

Sa unang laro, napigilan ng AMA Online Education ang matinding lakas na inilatag ng Blustar Detergent bago angkinin ang 83-78 panalo.

 Bumandera si dating Ateneo standout Juami Tiongson bitbit ang 23 points, pitong assists, limang rebounds at dalawang steals para sa AMA na sumulong sa 5-2 rekord samantalang bugbog sa 0-5 ang Dragons.

vuukle comment

BASKETBALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with