^

PSN Palaro

Westbrook sinapawan si James at ang Cavs

Pilipino Star Ngayon
Westbrook sinapawan si James at ang Cavs
Padakdak si Russell Westbrook ng Thunder sa third quarter laban sa Cavaliers.

OKLAHOMA CITY-- Itinala ni Russell Westbrook ang kanyang ika-26 triple-double ngayong season para tulungan ang Thunder na talunin ang Cleveland Cavaliers, 118-109.

Humakot si Westbrook ng 29 points, 12 rebounds at 11 assists para sa pang-63 triple-double sa kanyang NBA career.

Nagdagdag naman si Victor Oladipo ng 23 points at humakot si Steven A­dams ng 20 points at 13 rebounds para sa Oklahoma City na lalabanan ang dati nilang kakamping si Kevin Durant at ang Golden State Warriors sa Sabado.

Umiskor naman si Kyrie Irving ng 28 points, may 18 markers si LeBron James habang si Kevin Love ay may 15 points at 12 rebounds para sa Cavaliers.

Nagtapos ang apat na sunod na panalo ng Cleveland.

Bumangon ang Cavaliers mula sa12-point deficit sa second quarter para agawin ang 57-55 abante sa halftime kung saan umiskor si James ng 16 points, habang naglista naman si Westbrook ng 10 points, 9 rebounds at 8 assists para sa Thunder.

Kumamada si Westbrook ng 11 points sa third quarter para ibigay sa Oklahoma City ang 79-71 kalamangan bago nakatabla ang Cleveland sa gitna ng fourth period.

Nagsalpak si Westbrook ng back-to-back midrange jumpers para muling ilayo ang Thunder sa 107-101 sa 3:42 ng final cato patungo sa 111-101 bentahe mula sa 360-degree layup ni Oladipo sa huling 2:07 minuto ng labanan.

Sa Charlotte, nagposte si James Harden ng 30 points, 11 rebounds at 8 assists para pamunuan ang Houston Rockets sa 107-95 panalo laban sa Hornets.

vuukle comment

RUSSELL WESTBROOK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with