^

Probinsiya

Pamangkin ni Sec. Dureza, tiklo sa droga

Rhode­rick Beñez - Pilipino Star Ngayon

COTABATO City, Philippines - Bumagsak sa kamay ng mga awtoridad ang pamangkin ni Presidential Peace Adviser Jesus Dureza sa isinagawang anti-illegal drug operations ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Catalunan Pequeño, Davao City kahapon ng umaga.

Ginawa ang buy-bust ope­ration sa bahay ni John Paul Dureza, sa nasabing lungsod na kanyang ikinaaresto. Bukod kay John Paul, natiklo ang isa pang kasama nito na si Jose Anthony Huilar ng halos 15 gramo ng shabu. May nakuha rin mula sa dalawang suspek na isang rifle at 117 mga bala.

Sinabi ni PDEA Regional Dir. Adzhar Albani, nasa kanilang drug watchlist si John Paul.Aabot aniya sa P225,000 ang halaga ng mga nakumpiskang droga sa dalawang suspek.

Samantala, kinumpirma ni Sec. Dureza na pamangkin niya si John Paul na naaresto ng PDEA.Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Dureza na kahiya-hiya ang nangyari dahil malapit na kaanak niya ang nadakip na si John Paul sa drug operation.

vuukle comment

JESUS DUREZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with