^

Metro

Driver at operator ng jeep na nakiisa sa tigil-pasada ipatatawag ng LTFRB

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Driver at operator ng jeep na nakiisa sa tigil-pasada ipatatawag ng LTFRB

Agad na nagpatupad ng pisong dagdag pasahe ang ilang mga jeepney, kahapon ma­karaang aprubahan ito noong Lunes ng LTFRB. (Kuha ni Miguel de Guzman)

MANILA, Philippines -  Isu-subpoena na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang operator at driver ng mga pampasaherong jeep na nakiisa sa ginawang tigil-pa­sada sa Metro Manila noong lunes.

Ito ayon kay  LTFRB board member Aileen Lizada ay upang makapag paliwanag ang mga driver at operator ng jeep kung bakit hindi maaaring sus­pendihin o mapawalang bisa ang franchise ng kanilang sasakyan dahil sa pakikiisa sa tigil-pasada.

Sinabi ni Lizada na inatasan na nila ang LTFRB-NCR na sinuhin isa-isa ang mga driver at operator ng jeep na nagtigil pasada sa mga lugar na na­apektuhan ng strike tulad sa Baclaran-Nichols, Valenzuela Karuhatan at Market Market C5 na pinangungunahan ng Sa­ma­han ng Tsuper at Ope­rator ng Pilipinas Genuine Organization (Stop & Go) Transport Coalition.

Binigyang diin ni Lizada na hindi sila maghihintay pa ng isa pang tigil-pasada bago sila kumilos dahilan sa ngayon pa lang anya ay magpaparusa na sila sa mga naging dahilan ng pagka-stranded ng maraming mamamayan dulot ng transport strike.

Alinsunod anya sa LTFRB Memorandum Circular No. 2011-004, ang mga operators ng mga pampasaherong sasakyan ay hindi maaaring magsagawa ng anumang demons­trasyon o protesta laban sa alinmang desisyon ng  tanggapan ng pamahalaan.

 

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with