1 pang truck lane sa C-5, idinagdag
MANILA, Philippines - Magdadagdag ng isa pang truck lane ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa kahabaan ng C-5 Road upang mapabilis ang biyahe nito at mabawasan ang masikip na daloy ng trapiko tuwing ‘truck hours’.
Ito’y matapos na makipagpulong kahapon sa MMDA ang Confederation of Truckers Association of the Philippines (CTAP).
Sa pagpupulong napagkasunduan na magdaragdag sila ng isa pang truck lane sa C-5 Road para daanan ng mga delivery truck simula alas-12:00 ng madaling araw hanggang alas-4:00 ng umaga.
Ayon kay MMDA Officer-In-Charge (OIC) at General Manager Tim Orbos, dahil sa mataas aniya na volume ng mga truck, na dumadaan sa naturang kalsada kung kaya nagsasanhi ito ng matinding trapik partikular nga tuwing ‘truck hours’.
Ayon sa MMDA, ang isa pang “truck lane” ay ilalagay sa bandang kanan ng C-5 Road at ipatutupad ito sa lalung madaling panahon at kapag nailagay na rin aniya ang mga traffic signages at road marking ng Traffic Engineering Center ng MMDA.
Samantala, pwede namang gamitin ng mga pribadong behikulo ang “truck lanes” sa C-5 Road tuwing ‘truck ban hours’.
- Latest