^

Bansa

Duterte balak buhayin ang Phl Constabulary

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Duterte balak buhayin ang Phl Constabulary
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, ang posibleng maging komposisyon ng PC ay mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at ito ang tutulong sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa drug war ni Pangulong Duterte.
File photo

MANILA, Philippines – Plano ni Pangulong Duterte na buhayin muli ang Philippine Constabulary (PC) bilang national organization at ang PNP naman sa local level ang magmamantina ng peace and order.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, ang posibleng maging komposisyon ng PC ay mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at ito ang tutulong sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa drug war ni Pangulong Duterte.

Nilinaw pa ni Abella, ang planong ito ng Pangulo na pagbuhay sa PC ay mangangailangan ng legislation sa Kongreso.

Magugunita na pinabuwag ni Pangulong Duterte ang anti-illegal drug group ng PNP at inatasan na ang PDEA upang manguna sa drug war ng gobyerno.

Sakaling kailanganin ng PDEA ang supplemental forces ay puwede naman silang kumuha sa AFP.

Unang inilutang ni Duterte ang idea na buhayin muli ang PC ng dumalaw ito sa 10th Infantry Division ng Philippine Army sa Camp General Manuel Yan sa Mawab, Compostella Valley upang palakasin ang kampanya laban sa terorismo at illegal drug syndicates.

Binuwag ang PC-Integrated National Police (INP) noong 1990 upang itayo ang PNP.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with