4 tulak-droga bulagta sa shootout
BULACAN, Philippines – Bulagta ang apat na tulak-droga na nasa drug watchlist makaraang kumasa at makipagbarilan sa inilatag na buy-bust operation sa mga Brgy. Camangyanan sa bayan ng Santa Maria, Brgy. Bagbaguin sa Pandi at sa Brgy. Pinagbakahan sa Malolos City, Bulacan kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang mga napatay na sina Raymart “Mac-Mac” Enriquez, 24, ng Brgy. Camangyanan; alyas Amerika ng Brgy. Bagbaguin; alyas Blondie, at alyas Sablay na mga residente ng Brgy. Lugam sa Malolos City.
Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Raniel Valones, napatay si Enriquez matapos na kumasa sa drug operation sa loob ng kanyang bahay sa Sampalokan Street sa Brgy. Camangyanan.
Samantala, napatay din ng mga tauhan ni P/Chief Insp. Manuel De Vera ang drug suspek na si Amerika makaraang kumasa rin sa operasyon ng pulisya sa madilim na bahagi ng Brgy. Bagbaguin, Pandi.
Matapos ang ilang oras ay napaslang din ng mga tauhan ni P/Supt. Heryl Bruno sina Blondie at Sablay makaraang tangkaing makipagbarilan sa mga pulis sa Brgy. Pinagbakahan, Malolos City.
Narekober sa magkakahiwalay na encounter site ang apat na cal .38 revolver, mga bala, 14 plastic sachet ng shabu, mga drug paraphernalia, at tatlong P500 marked money.
- Latest