^

Probinsiya

Ex-Army, guro patay sa duwelo

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Ex-Army, guro patay sa duwelo
Kinilala ang dalawa na sina Apollo Pallan, dating sundalo ng Philippine Army; at Reynato Nares, 38, guro ng Quitago Elementary School na kapwa nakatira sa nabanggit na barangay.
File photo

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Kapwa bumulagta ang 58-anyos na retiradong sundalo at isang guro makaraang magduwelo gamit ang baril at patalim sa Purok 7, Barangay Inamnan Pequeño sa bayan ng Guinobatan, Albay noong Martes ng gabi.

Kinilala ang dalawa na sina Apollo Pallan, dating sundalo ng Philippine Army; at Reynato Nares, 38, guro ng Quitago Elementary School na kapwa nakatira sa nabanggit na barangay.

Nabatid na inabangan ni Nares na naglalakad pauwi si Pallan saka pinagsasaksak sa madilim na bahagi ng kalsada.

Sunud-sunod na putok ng baril ang umalingawngaw kung saan nakita ng mga residente na nakabulagta at duguan si Nares habang si Pallan naman ay namataang nakarating pa at bumulagta sa harap ng gate ng kanilang bahay.

Sa imbestigasyon ng Guinobatan PNP, nag-ugat ang alitan ng dalawa dahil sa palagiang kinukwestyon ni Pallan ang guro dahil sa mga kahina-hinalang bumibisita gabi-gabi sa bahay nito.

Si Nares umano ay dati nang tinokhang ng mga pulis pero tumangging sumuko.

Narekober sa crime scene ang mahabang kut­silyo, bakal na tubo pero walang narekober na baril o basyo ng bala kaya isinailalim sa paraffin test ang katawan ng ex-Army.

vuukle comment

BARANGAY INAMNAN PEQUEñO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with