Mga guro ayaw sa condom ng DOH
MANILA, Philippines – Mismong mga guro ang ayaw sa isinusulong na condom distribution ng Department of Health (DOH) sa mga high school student sa bansa.
Ayon kay Benjo Basas, national chairperson ng Teachers’ Dignity Coalition (TDC), magbibigay ng maling mensahe sa mga kabataang estudyante ang planong pamimigay ng condom ng DOH sa mga mag-aaral.
“Pag nagbigay tayo ng world map matututo sila sa geography. Kung periodic table of elements naman, magpapaligsahan sila sa chemical symbols. ‘Pag nagbigay tayo ng basketball, magyayaya sila ng friends para maglaro. Kung chess board o scrabble ang ibibigay natin, magtatawag sila ng mga kaklase para mag-enjoy gamit ang mga ito. Paano kaya kung magbibigay tayo ng condom?” tanong pa ni Basas.
Sinabi ni Basas, ang magandang gawin para mapigilan ang teenage pregnacy; HIV/AIDS at sexually transmitted diseases ay turuan na maging responsableng mag-aaral.
“The act of distributing condoms could be disturbing and could deliver a wrong message to the young students,” ani Basas.
Maging ang mga magulang ay mariing tumututol sa planong pamimigay ng condom ng DOH sa kani-kanilang mga anak na nasa high school.
- Latest