^

PM Sports

Carrion gusto ng ‘big delegation’ sa 2017 SEAG

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Kung si Chief of Mission Cynthia Carrion ng gymnastics ang masusu-nod ay mas mabuti kung magpadala ng maraming atleta ang Pilipinas para malaki rin ang tsansang manalo ng maraming medalya sa darating na 29th Southeast Asian Games sa Agosto 19-31 na gagawin sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Ibinigay na halimba-wa ni Carrion ay ang Thailand, Vietnam, Indonesia at host Malaysia na palaging nagpapadala ng malaking delegasyon sa mga nakaraang SEA Games kaya marami rin ang medalya na ka-nilang nakuha sa 11-nation regional event.

“That’s why these countries were so dominating in the past SEA Games because they were sending so many athletes. The more athletes that you have the better the chances of winning,” ani Carrion kahapon sa lingguhang Philippine  Sportswri-ters Association (PSA) Forum na ginanap sa Aura Ballroom ng Gol-den Phoenix Hotel ng Pasay City.

Nauna nang sinabi ni Philippine Sports Commission chairman William “Butch” Ramirez na ipapadala lamang ang may tsansang manalo ng medalya.

“We will try to convince the PSC about these. What is good now is I’m sure chairman Ramirez will listen to us. We will just try and exert all effort to win more medals in the Kuala Lumpur,” ani Carrion.

Ayon naman kay Tom Carrasco, ang chairman ng PSC-POC Joint Task Force, malaki ang kanyang tiwala sa tinatawag niyang ‘resurgence’ National Sports Association kagaya ng squash, shooting at sepak takraw.

“I have high hopes in these three resurgence sports. Sa mga ipinakita nilang pagsisikap at sa kanilang programa ma-laki ang kanilang tsansa. They are doing well now,” wika ni Carrasco na dumalo rin sa PSA Forum.

CHIEF OF MISSION CYNTHIA CARRION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with