^

Metro

34 trak ng basura, nahakot matapos ang Traslacion

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nasa 34 na trak ng basura ang nahakot ng Metropolitan Manila Development Autho­rity (MMDA) mula sa mga kalat na iniwan ng mga deboto sa Tras­lacion ng  Itim na Poong Nazareno noong Lunes.

Ayon kay Francis Martinez,  head ng  MMDA Metro Parkway Clearing Group, nabatid na ang 34 trak ng basura na nakolekta ay nasa 718.02 cubic meters, na may 202 tons ang  bigat.

Kumpara aniya noong na­ka­raang taon, 2016, nasa 739.20 cubic meters ang nahakot, na may 210 tons ang bigat.

Ang massive clean-up ope­ration ay sinimulang isinagawa noong Sabado sa traditional na ‘pahalik’ sa Quirino Grandstand.

Ayon kay Martinez, nasa 400 street sweepers ang ka­nilang itinalaga sa mga kalyeng apektado ng prusisyon.

Karamihan sa mga nako­lektang basura ay mga tirang pagkain,  boteng plastic,  candy at biscuit wrappers at mga plastic bag.

Sa kabila nang mahigpit na paalala ng MMDA, na huwag magkalat ng basura, mara­ming matitigas na ulong mga deboto ang walang humpay sa pagtatapon.

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHO­RITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with