^

Metro

Resort owner, pinatay ng katiwala

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nahaharap ngayon sa ka­song robbery homicide ang isang lalaki makaraang uma­min sa pulisya na siya ang res­ponsable sa pagkamatay ng kanyang 70-anyos na amo na may-ari ng isang resort sa Valenzuela City.

Nakaditine ngayon sa Valenzuela City Police Detention Center ang suspek na si Carlos Angeles, 22, stay-in caretaker ng Buenas Diaz Resort sa Brgy. Marulas. Nakilala naman ang biktima na si Maximo Diaz, Sr., nakatira sa naturang resort.

Base sa ulat, natagpuan ang bangkay ni Diaz sa loob ng kanyang kuwarto sa resort nitong nakaraang Linggo ng umaga. Unang pinaniwalaan ng pamilya ng biktima na nasawi ang matanda dahil sa atake sa puso habang natu­tulog.

Ngunit sa imbestigasyon ng pulisya, napansin na may mga pasa at galos sa mukha at leeg ang biktima kaya nagkaroon ng pagdududa sa dahilan ng pagkamatay niya. Ipinasyang isa­ilalim naman sa mas masusing pagtatanong si Angeles nang mapansin ng mga kaanak ng biktima ang kakaibang ikinikilos nito.

Sa interogasyon ng pulisya, inamin ni Angeles na napatay niya ang matanda ngunit hindi umano niya ito sinasadya.  Salaysay niya, nagtalo sila ng bik­tima nang tumanggi ang matanda na pautangin siya ng P500 hanggang sa masuntok niya ito at tumama ang ulo sa matigas na bagay dahilan para mawalan ng malay.

Nadiskubre naman sa po­sesyon ng suspek ang P40,000 halaga ng salapi na hinihina­lang ninakaw ng suspek buhat sa biktima.

ROBBERY HOMICIDE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with