^

Metro

1,200 pamilya nasunugan sa Navotas

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Aabot sa 1,200 pamilya sa Navotas Fish Port ang nawalan ng tirahan makaraang matupok ng malaking sunog ang lugar na nag-umpisa, kahapon ng umaga.

 Sa ulat ng Bureau of Fire Protection, dakong alas-6:24 ng umaga nang sumiklab ang apoy buhat sa isang bahay sa may Market 3, Brgy. North Bay Boulevard North. Agad na kumalat ang apoy sa mga kabahayan na karamihan ay gawa sa “light materials”.

Umabot sa Task Force Charlie ang alarma ng sunog na nirespondehan ng nasa 30 trak ng bumbero. Nahirapan ang mga pamatay-sunog na apulain ang apoy dahil sa masisikip na mga eskinita at malakas na hangin buhat sa dagat. 

Dakong alas-7:10 na ng umaga nang ideklarang fire-out ang sunog na tumupok sa tinatayang 600 na bahay. Inaalam pa ang halaga ng pinsala at pinag-ugatan ng apoy. Patuloy na inaalam naman ng mga imbestigador kung may nasawi sa insidente makaraan ang ulat sa lugar na may mga naipit sa mga nagliliyab na bahay.

Inilikas naman ang libu-libong mga residente sa pinakamalapit na basketball court ha­bang nakakalat sa kalsada ang ilan pa sa mga pamilya na karamihan ay hindi nakapagsalba ng kanilang mga gamit.

Sinabi naman ni Navotas City Mayor John Ray Tiangco na nakadagdag sa pagbilis ng pagkalat ng apoy ang mga nakaimbak na krudo na gamit ng mga mangingisdang residente sa kanilang mga bangka. Wala pa umanong konkretong plano sa lugar dahil sa ang lupang kinatitirikan ng mga residente ay pag-aari ng Philippine Fishe­ries Development Authority (PFDA) na siya umanong nakakaalam kung may relokasyong ibibigay sa mga pamilya.

Pinakilos naman agad ni Tiangco ang Navotas City Social Welfare and Development Authority (CSWDO) para tulu­ngan sa pagkain at relief goods ang mga biktima. Bukod sa pagkain at mga damit, nana­nawagan ang mga biktima ng tulong para sa pagpapatayo muli ng kanilang mga nawalang bahay.

BUREAU OF FIRE PROTECTION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with