Mayor Tugna, nanalong alkalde ng Bocaue
MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Regional Trial Court 3rd Judicial Region ng Malolos ang pagkapanalo ni Mayor Eleonor V. Tugna bilang alkalde ng Bocaue matapos na ibasura ang election protest na inihain ng katunggali nito na si Jim Valerio at manalo sa isang toss-coin.
Sa ginanap na press conference, sinabi nina Atty. Romulo Macalintal at Atty. Antonio Carlos Bautista, legal counsels ni Tugna na hindi detalyado ang reklamo ni Valerio kung saan pawang mga haka-haka lamang ang mga ito.
Bagama’t ang akusayon ni Valerio ay bunsod ng umano’y dayaan sa 34 clustered precincts na nagkaroon ng dayaan hindi naman nito sinabi kung anong uri ng pandaraya o pagbabawas ang ginawa ng kampo ni Tugna.
Sina Tugna at Valerio ay kapwa nakakuha ng 16,694 votes na nagresulta ng pagsasagawa ng toss-coin kung kaya’t napilitan naman ang huli na maghain ng kanyang election protest.
Sa panayam naman kay Tugna sinabi nito na itinuturing niyang malaking regalo noong Pasko ang naging desisyon ng korte dahil Disyembre pa lamang ay lumabas na ang resulta. Aniya,”Divine Providence” ang nangyari, ang toss coin ang siyang ginamit upang maideklara siyang tunay na nanalo sa halalan.
- Latest