SMBeer puro sa top 2 Ginebra nakabitin
Noong nakaraang season, eight wins ang na-ging magic number para makasiguro ng Top Two finish sa Commissioner’s Cup at sa Governors Cup eliminations.
Tingin ni San Miguel Beer coach Leo Austria, parehong numero rin ang kailangan para masungkit ang twice-to-beat advantage sa quarterfinal round ng kasalukuyang Philippine Cup.
Nasa itaas ng standings tangan ang matatag na 7-1 record, hahabulin ng Beermen ang ikawalong panalo sa tatlong huling laro kontra sa Rain or Shine, Globalport at TNT KaTropa.
Gaya ng inaasahan, dumaan sa butas ng kara-yom ang San Miguel bago malusutan ang Barangay Ginebra, 72-70 sa kanilang crucial game sa Smart Araneta Coliseum noong Linggo. Ito ang lowest-scoring game sa loob ng halos dalawang taon.
Pagkatapos tambakan ang NLEX (104-80) at Meralco (101-86) sa kanilang unang dalawang laro sa 2017, napalaban sa matinding defensive battle ang San Miguel kontra sa Ginebra.
Pero sa Beermen pa rin ang huling halakhak dahil sa crucial stoppages ni Arwind Santos sa endgame.
“Masarap na panalo dahil naipakita namin na kaya rin naming manalo sa pamamagitan ng depensa,” ani Santos.
Bago ang pitpitang larong ito, 101.3 points per game ang average ng SMB at 108.3 sa kanilang huling tatlong laro.
Pinahirapan ng Ginebra na maka-atake si June Mar Fajardo at natapos ang laro na nalimitahan ang 6-foot-10 SMB behemoth sa nine points (personal season low).
Para kay Ginebra chief playmaker LA Tenorio, ‘yun ang positive side sa kanilang pagkatalo.
“Wala na kaming haharapin pang June Mar Fajardo sa huling apat na laro namin. Siguro kung dere-derecho namin magagawa ‘yung ganung effort, maganda ang magiging resulta,” ani Tenorio.
Kung Top Two ang habol ng SMB, maka-pasok lang sa Top Eight ang immediate goal ng Ginebra. Sa pagkatalo sa Beermen, nalaglag sa No. 9 ang Gin Kings (3-4).
Patuloy ang win-loss-win-loss ride ng Ginebra. Para maiwasang maiwan sa kangkungan, kaila-ngan nilang maging steady sa huling apat na laro kontra sa Meralco, Blackwater, Phoenix at NLEX.
- Latest