^

PSN Palaro

PSC kailangan ng P300M para sa pagtataguyod ng PSI

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kailangan ng Philippine Sports Commission (PSC) ng ka­ragdagang P300 mil­yon sa kanilang taunang  pondo para masustina  ang pagtataguyod ng Philippine Sports Institute.

Ito ang pahayag kaha­pon ni commissioner Fatima Celia Kiram na kaila­ngan na talagang maibalik  ng Pagcor ang original na 5 percent gross na kontribusyon nito sa PSC.

Sa ngayon ang PSC ay tumatanggap lamang ng 5 percent net mula sa Philippine Amusements and Gaming Corporations (Pagcor) simula ng baguhin ito noong panahon ni dating Presidente Fidel V. Ramos.

Ayon kay PSI national training director Marc Edward Velasco ang PSC ay gagastos ng mahigit P25 milyon kada buwan o mahigit P300 milyon kada taon para sa operation ng PSI na ilulunsad na ulit sa darating na Enero 16 sa Philsports Complex Multi-Purpose Arena sa Pasig City.

Ayon naman kay Kiram, ang naturang mahigit P300 milyon na gagastusin bawat taon para sa PSI ay  kukunin mula sa National Sports Development Fund (NSDF).

Ang NSDF ay nagmula naman sa Office of the President kung saan nasa ilalim nito ang pangangalaga ng PSC.

“It’s really hard to sustain this PSI program but we need to do it. I just hope the contribution of Pagcor to the PSC will be returned to its original computation of five percent gross. So that we can insure the continued operation of the PSI,” sabi ni Kiram kahapon sa press conference na ginanap sa PSC Athletes Lounge.

Dagdag naman ni PSC Executive-Director Atty. Carlo Abarquez na kung ma-approve ang inihain din na batas sa Kongreso para ma-institutionalize ang PSI,  magkakaroon na rin ito ng sariling budget galing sa General Approriations Act (GAA) kada taon.

Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang inimbitahan para maging guest speaker sa re-launching ng PSI, simula sa alas-3 ng hapon, ayon pa kay Velasco.

 Bukod kay Pangulong Duterte, inimbitahan din sa pagtitipon ang ibat-ibang City Mayors at Provincial Governors mula sa iba’t-ibang lalawigan ng bansa at mga opisyales ng mga National Sports Associations (NSAs) at mga mi­yembro ng national training pool sa nasabing event.

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with