^

Pang Movies

James at Nadine, may babaeng pag-aawayan?!

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Pasok sa cast ng Till I Met You (TIMY) si Loren Burgos na nakilala dahil sa ilang indie films na kanyang nilabasan. Ang TIMY ay pinagbibidahan ng reel-real-life tandem nina James Reid at Nadine Lustre.

And it looks like na magiging ka­abang-abang ang kanyang role, since may suspetsa kaming siya ay magiging third party sa happy at peaceful married life nina James (as Basti) at Nadine (Iris).

And from the look of it as well, too, magpapakitang-gilas siya. At walang ring duda na maganda siya.

Hinihintay din namin na ma­tanggap na sana ni Robert Seña (as General Gregory) ang katotohanang tungkol sa tunay na kasarian ng anak niyang si Ali (JC Santos).

For us, isa sa major find ng Dreamscape Entertainment Te­levision si JC bilang actor.

Keep up the good work, JC.

Mga nagiging anak ni Zanjoe sumisikat

Zanjoe Marudo might as well be dubbed bilang makers ng would be super child stars.

Maaalalang sa seryeng Annaliza (kung saan kasama rin si Zanjoe) napansin bilang good performer ang dating child actress na si Andrea Brillantes.

Teenager na ngayon si Andrea na matangkad at pretty.

Kailangan lang niyang mabigyan ng proper break, and she can be a major star.

Pwede rin niyang maka-love team sina Grae Fernandez at JK Labajo.

Gumanap ding tatay si Zanjoe sa cute na child star na si Jana Agoncillo sa seryeng Dream Dad. Pagkatapos noon ay nagbida na si Jana sa Ningning.

Ang ganda rin ng role ni Jana bilang bunso sa tatlong anak nina Richard Yap at Jean Garcia sa Mano Po 7: Chinoy.

In Zanjoe’s upcoming series My Dear Heart, may bagong child star na ipakikilala, ito ay si Na­yomi Ramos.

Samantalang si Bela Padilla naman ang siyang gaganap bilang leading lady ni Zanjoe.

Of Zanjoe, ob­vious na wala siyang “dear heart” noong nakaraang Pasko. Although, ayon sa ex niyang si Bea Alonzo, friends pa rin silang dalawa.

Si Bea naman ngayon ay walang dudang masayang-masaya sa piling ni Gerald Anderson.

Jean walang paki sa non-showbiz gf ni Jomari

Wala namang reaction si Jean Garcia sa allegation ni Aiko Melendez na hindi taga-showbiz ang kasalukuyang girlfriend ni Jomari Yllana.

Last Christmas, she (Jean) happily marked the day with daughter Jennica, son-in-law, Alwyn Uytingco, granddaughter  Mori and 14 year-old son, Kotaro.

By the time this issue comes out, baka nakaalis na si Jean with Kotaro para um-attend ng kasal sa America.

Ronnie brand new car ang regalo sa sarili

Isang sasakyan ang regalo ni Ronnie Alonte sa sarili ngayong Christmas. May dalawang entry in this year’s Metro Manila Film Festival (MMFF) si Ronnie, ang Vince & Kath & James at ang Seklusyon.

“Gift ko sa aking sarili,” ani Ronnie, 19 and who is also a member of the dance group, Hashtags.

Ronnie just had a major concert sa Kia Theater, na,  ayon sa kanya, was full-house.

He is featured in the upcoming series, A Love To Last bilang love interest ni Julia Barreto. The major member of the cast include Bea Alonzo, Iza Calzado and Ian Veneracion.

 

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with