^

Bansa

Biyahe ng MRT-3, pinutol

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Bunsod ng panibagong technical problem kaya pinutol ng pamunuan ng Metro Rail Transit ang biyahe ng MRT-3, kahapon ng umaga.

Nabatid mula sa MRT-3 control room na dakong alas-7:10 ng umaga noong pasimulan nilang ipatupad ang ‘provisional service’ mula sa Shaw Boulevard, Mandaluyong City hanggang Taft Avenue station sa Pasay City.

Stop operation ang biyahe ng MRT-3 mula sa North Ave­nue, Quezon City hanggang Shaw Boulevard bunsod ng technical problem.

Ayon sa control tower, nagsimulang magkaroon ng service interruption dakong alas-6:51 ng umaga hanggang tuluyang putulin ang biyahe dahil sa hindi tinukoy na aberya.

Dahil rush hour noong maganap ang aberya kung kaya naipon ang libu-libong pasahero ng MRT-3 at halos nasakop ang kalahati ng linya ng EDSA para mag-abang ng kanilang masasakyan patungo sa kani-kanilang mga destinasyon.

Inis na inis naman ang mga  na-late na pasahero sa pagpasok sa kanilang mga trabaho.

Ang MRT-3 ay bumibiyahe ng kahabaan ng Edsa mula sa North Avenue, Quezon City patungo ng Taft Avenue, Pasay City at vice versa.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with