^

Bansa

Duterte sa sambayanan: Pagnilayan, kahulugan ng kapanganakan ni Hesus

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang sambayanang Pilipino na pagnilayan ang tunay na kahulugan ng kapanganakan ni Hesus.

Sa kanyang mensahe sa araw ng Pasko, sinabi ni Pangulong Duterte na ang kuwento ng pagsilang Niya mahigit 2,000 taon na ang nakararaan ay panahon din ng kapayapaan.

Ayon sa Pangulong Duterte, ang Pasko rin ay panahon ng pagbibigayan at pagtutulungan, pagbubuklod-buklod at pagkakaisa para sa lahat. Dapat din daw pag-ibayuhin pa ang pagiging bukas-palad lalo sa mga nangangaila­ngan at mahihirap.

 Umaasa ang Pangulo na maging inspirasyon ang Paskong ito upang makamit natin ang tunay na kapayapaan at kaginhawaan para sa buong sambayanan.

 “Kasama ko ang lahat ng Kristiyanong nagdiriwang ngayong panahon ng Kapaskuhan. Habang tayo ay nagsasaya at nagtitipun-tipon, nawa ay mapagnilayan natin ang tunay na kahulugan ng ka­panganakan ni Hesus. Ang kuwento ng pagsilang niya mahigit 2,000 taon na ang nakararaan ay panahon din ng kapayapaan,” wika pa ng Pangulo.

“Ang ating paggunita ng Pasko ay tinagurian ding pinakamahaba sa buong mundo—isang patunay na tayong mga Pilipino ay likas na mapayapa at mapagmahal. Ang Pasko ay panahon din ng pagbibigayan at pagtutulungan. Ang masayang pakiramdam na ito ay nakikita sa mukha ng mga batang puno ng pag-asa; at sumasalamin at nananahan sa puso ng ating maliligayang pamilya at kaibigan.

Samakatuwid, ang tunay na diwa ng Pasko ay nakabatay sa mensahe ng kapayapaan na siyang isa sa mga prayoridad ng ating pamahalaan. Maging masigasig tayo sa pag-alok ng pagkakabuklod-buklod at pagkakaisa para sa lahat.” 

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with