50-M demand ng Abu Sayyaf sa 4 bihag na mangingisda
MANILA, Philippines – Nagpalabas na ng P50-M ransom ang mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) kapalit ng kalayaan ng apat na mangingisdang tripulante ng isang fishing vessel binihag ng mga ito noong nakalipas na Martes habang namamalakaya sa Celebes Sea malapit sa Sulu.
Kinilala ang mga bihag na sina Noel Besconde (kapitan ng barko), mechanic na si Reyjim Rocabo; Roy Ramos at Roel Liones; pawang ng Ramona Fishing Corporation.
Ang mga ito ay dinukot ng mga armadong bandido matapos na harangin ang F/B Ramona 2 fishing vessel sa Celebes Sea dakong alas-2:30 ng madaling araw noong Martes.
Sa report, ang nasabing ransom ay ipinarating ng mga bandido matapos na tawagan si Milagros Rocabo, ina ng biktimang si Rocabo.
Nagbanta umano ang mga bandido na may mangyayaring masama sa apat na mangingisda kapag hindi naibigay ang P 50-M ransom kapalit ng kalayaan ng mga bihag. Patuloy naman ang search and rescue operations upang iligtas ng buhay ang mga bihag.
- Latest