^

Bansa

Sa P50M casino bribe: 2 BI execs sinibak!

Doris Borja - Pilipino Star Ngayon
Sa P50M casino bribe: 2 BI execs sinibak!

Ang dalawang opisyal ng BI na sina Michael Robles at Al Argosino matapos sibakin sa puwesto

MANILA, Philippines – Tuluyan nang sinibak sa puwesto ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ang dalawang Deputy Commissioners ng Bureau of Immigration (BI) at kapwa niya ka-“brod’ sa Lex Talionis dahil sa umano’y pagtanggap ng P50 milyon suhol mula sa gaming tycoon na si Jack Lam para sa pagpapalaya ng may 1,300 undocumented Chinese national na kanilang inaresto sa Fontana Leisure Park and Casino sa Angeles, Clark, Pampanga.

Sa pamamagitan ng Department Order 906 na ipinalabas ni Aguirre, itinalaga nito si Immigration Officer IV Jose Carlito Licas bilang officer-in-charge ng Office of the Associate Commissioner kapalit ng sinibak na si Michael Robles na naka-leave of absence simula Disyembre 12 hanggang Enero 11, 2017.

Base naman sa AO 905, itinalaga ni Aguirre si Atty. Estanislao Canta, bilang OIC-Office of the Associate Commissioner, kapalit ni Al Argosino. Si Canta ay pansamantalang inalis sa kanyang puwesto sa BI Board of Special Inquiry.

Ang aksiyon ay ginawa ni Aguirre kasunod ng isasagawang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) laban sa mga tauhan ng BI na nasangkot sa umano’y nangyaring suhulan sa pagitan ni Lam at mga tauhan ng BI.

Una nang iginiit ni Argosino at Robles na ‘set-up money’ ang ginawa nilang pagtanggap ng P50 milyon suhol habang iginiit naman ni dating P/Supt. Wally Sombero na ito ay ‘extortion money’.

Samantala, nabatid na nagkulang umano ng P1,000,000 ang may P30 milyon na isinurender sa DOJ ng dalawang opisyal.

Una nang inihayag ni Aguirre na irerekomenda niya kay Pangulong Duterte ang pagsibak sa dalawa nilang ka-brod matapos na masangkot sa suhulan.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with