^

PM Sports

SSC-R volleybelles malinis pa rin

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines - Napanatili ng San Sebastian College-Recoletos Lady Stags ang malinis na kartada matapos magwagi kontra sa Jose Rizal University Lady Bombers, 25-15, 25-10, 25-23 kahapon sa women’s division ng 92nd NCAA volleyball tournament na ginanap sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

Sa kanilang ika-anim na sunod na panalo, nanatili ang tropa ni coach Roger Gorayeb sa solo lide-rato sa  taglay na 6-0 kartada.

Si back-to-back MVP Grethcel Soltones ay umiskor ng 17 puntos at 16 sa kabuuang 49 attacks ng Lady Stags. Bukod kay Soltones, tumulong din ng 12 puntos si Nikka Dalisay habang sina Katherine Villegas at  Joyce Sta. Rita ay nag-ambag ng kabuuang 13 puntos.

“’Di kumikilos ang iba eh. Hindi naglalaro ng mahusay ang iba kaya maoobliga ka na gamitin ulit ‘yung first six mo. Hindi naman si Grethcel ang bubuhay diyan eh, ang daming player,” sabi ni Gorayeb.

Sina Rosalie Pepito at Shola Alvarez ay umiskor ng tig-11 puntos bawat isa para sa JRU Lady Bombers na bumagsak sa 2-4 record.

Samantala, hindi naman nagpadaig ang reigning champion College of St. Benilde Lady Blazers sa pamamagitan ng kanilang 25-10, 18-25, 25-7, 25-23 panalo laban sa Emilio Aguinaldo College Lady Generals sa ibang laro.

Ang kanilang panalo ay nagbigay daan para sa Lady Blazers na bumangon mula sa kanilang talo sa Lyceum of the Philippines University Lady Pirates, 22-25, 26-24, 18-25, 25-20, 10-15 noong nakaraang linggo. Ang Blazers ay nanatili sa ikalawang puwesto sa 5-1 win-loss record.

Si Jeanette  Panaga ay umani ng 22 puntos kabilang na ang 15 attacks at anim na blocks para pangunahan ang ikalimang panalo ng Lady Bla-zers sa anim na laban.

 

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with