^

Police Metro

Nanay inutas sa harap ng 2 anak

Ludy Bermudo - Pang-masa
Nanay inutas sa harap ng 2 anak

Ang ginang na si Nora Acielo na agad na nasawi makaraang pagbabarilin ng nag-iisang suspect kahapon sa Port Area, Manila. Kuha ni Joven Cagande

MANILA, Philippines - Hindi na umabot sa eskwelahan kung saan ihahatid ang dalawang anak nang barlin at mapatay  ang isang 47-anyos na ginang, sa Port Area, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Namatay noon din ang biktimang si Nora Acielo, residente ng 12th Street, Port Area, Maynila dahil sa tinamong 3 tama ng  bala sa ulo at tiyan.

Inilarawan ang gunman sa edad 25-30, nasa 5’5 ang taas at nakasuot ng kulay pulang jacket na may hood.

Sa ulat ni PO3 Marlon San Pedro ng Manila Police District-Homicide Section, naganap  ang insidente dakong alas-5:30 ng umaga sa Railroad St, Port Area.

Naglalakad umano ang biktima kasama ang kanyang dalawang anak na kapwa menor de edad na ihahatid sa paaralan nang biglang sumulpot ang suspek at sunud-sunod na pinaputukan ang biktima.

Bumulagta ang biktima habang ang suspek ay kaswal na nag­lakad sa direksiyon ng 12th Street, Port Area, Maynila.

Hindi pa tukoy ang motibo sa pamamaril kung may kaugnayan sa iligal na droga. - Trainee Irish Viola Sta. Ana

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with