^

Police Metro

Drug pusher na pumatay ng kabaro utas sa pulis

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Isang 26-anyos na drug pusher na pumatay ng kanyang kabaro ang napatay din ng pulisya matapos na ito ay manlaban kamakaklawa ng gabi sa Tondo, Maynila.

Ang napatay na suspek ay kinilalang si Rommel Berdan  alyas “Muslim Bata”, miyembro ng Batang City Jail, at residente ng Road 10, Marcos Highway, Moriones St., Tondo.

Bago napatay ang suspek dakong alas-6:00 ng gabi sa tapat ng isang bahay sa 248 Sta. Fe St., Tondo ay pinatay umano nito ang isang Eugene Liporada na kapwa niya nasa drug watch list noong Biyernes.

Kaya nagsagawa ng follow-up operation  ang pulisya laban kay Berdan matapos magbigay ng impormasyong naroroon ito sa lugar.

Nang makita ni Berdan  ang mga pulis sa lugar ay pinagbabaril niya ito, subalit hindi nakatama kaya’t ginantihan ito at napatay.

Narekober kay Berdan ang isang Black Widow .22 Magnum,  4  sachet ng shabu at mga drug paraphernalias.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with