Du30 papasukin ang kuta ng Maute at Abu
MANILA, Philippines – Nakatakda umanong pasukin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pinagkukutaan ng Maute Terrorist Group at Abu Sayyaf Group para kausapin ang mga Muslim communities na tulungan ang gobyerno para sa paglaban ng mga nasabing teroristang grupo.
Ito ang sinabi ni Presidential Communication Office (PCO) Sec. Martin Andanar dahil may mga kamag-anak ang Maute at Abu na merong impluwensiya at para maibaba ang kanilang armas at makikipag-usap ang pangulo sa mga Muslim.
“Kung hindi kayo tutulong sa gobyerno, mahihirapan tayo,” wika pa ni Sec. Andanar.
Magugunita na sinabi ni Pangulong Duterte kamakailan na hindi pa siya makikipag-usap sa Maute group kasunod ng ginawa nitong pag-atake sa Butig, Lanao del Sur.
Nakikiusap ang gobyerno sa mga komunidad na tumulong sa pamahalaan upang matukoy ang pinagtataguan ng mga terorista.
“Ang panawagan lang ay makipagtulungan sa gobyerno, makipag-usap sa gobyerno para malaman kung nasaan sila para mas madaling matunton,” giit pa ni Andanar.
- Latest