^

Pang Movies

Pelikula nina Julia, Joshua at Ronnie, pinakamatino raw sa Magic 8!

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Pelikula nina Julia, Joshua at Ronnie, pinakamatino raw sa Magic 8!

Ronnie, Julia, at Joshua

Nanghihinayang man at ‘di nga matutuloy ang sana’y bakasyon grande niya this Christmas kasama ang kanyang pamilya sa ibang bansa, nasisiyahan pa rin in a way, si Julia Barretto.

Entry kasi sa this year’s Metro Manila Film Festival (MMFF) ang pelikulang Vince and Kath and James, kunsaan makakasama niya sina Joshua Garcia at Ronnie Alonte.

And all three of them need to promote the movie, na isa sa hinuhulaang pinakamatinong pelikula sa film event, considering na ang direktor nito ay si Ted Borobol at producer ang Star Cinema.

Ayon kay Julia, parehong good actors daw sina Joshua at Ronnie, considering nga naman na kum­para sa kanya (Julia), konti pa lang ang karanasan ng mga ito sa showbiz.

Mika naudlot ang bakasyon sa Austria

Tulad ni Julia, sa Austria rin pala sana magpapa­lipas ng Pasko at New Year ang dating Kapamilya, pero ngayon ay Kapuso na, na si Mika dela Cruz.

Ang Austria ay makikita sa Europe at dito nga lumaki ang ina ni Mika samantalang Japanese naman ang kanyang ama.

Nakababata siyang kapatid ni Angelika dela Cruz, actress-politician and herself a former Kapamilya, who turned Kapuso rin.

“But there’s no bad blood between me and the top guns ng Kapamilya, Especially, sina Mr. M (for direk Jonny Manahan) and Ma’am Mariole (Alberto) ng Star Magic.

“Magalang akong nagpaalam sa kanila. Kaya, masasabi kong, I have their blessings when I left ABS-CBN,” susog pa ni Mika.

Dating child actress si Mika at huli siyang napanood sa series na You’re My Home na pinagbidahan nina Richard Gomez at Dawn Zulueta. Mika played leading lady to fellow teenage actor Paul Salas.

Come to think of it, Salve A., after You’re My Home, hindi na rin nagkaroon ng new project si Paul.

Robin sa susunod na taon pa masisilayan ang anak

Nasa Cuba pala with obviously the party of President Digong Duterte si Robin Padilla.

Sa kanyang application for a U.S. visa, para mabisita niya ang kanyang mag-inang sina Mariel Rodriguez at Isabella, ayon sa talent manager ni Robin na si Bechay Vidanes, hindi pa raw ito naa-approve.

Kaya, malamang daw na dito na sa Pilipinas makikita ni Robin ang kanyang mag-ina. At sa tantya raw ni Mariel, who no longer encounter any problem sa pag-breastfeed ng kanyang baby, baka next year (2017) pa sila makauwi ni Isabella.

Meaning, too, hiwalay silang mag-ina kay Robin ngayong Pasko at Bagong Taon.

Jean sumumpa sa naging relasyon nila ni Jomari

Mula nang ma-link si Jean Garcia kay Jomari Yllana, ‘di pa raw nagkakaroon ng pagkakataong mag-cross ang landas nila ng dating asawa ni Jomari na si Aiko Melendez.

Kaya, hindi alam ni Jean, na nakausap namin sa presscon ng soon-to-be shown movie niya na Mano Po 7: Chinoy, with Richard Yap, Enchong Dee, Janella Salvador, Marlo Mortel, and Eric Quizon, among others, kung paano sila magre-react ni Aiko sa isa’t isa.

Lalo pa kung kasama ni Aiko ang anak nito kay Jomari na si Andrei, who is 18 years old. Umaasa pa rin pala ang bagets na magkakabalikan ang kanyang ama at ina.

Jomari is now a councilor ng Parañaque City.

Tungkol sa rumored romance niya kay Jomari, natawa at sumusumpa si Jean na friends lang sila ng ama ni Andrei. With her busy schedule, as she will start work on a new series with the Kapuso, hindi raw niya priority ang magkaroon ng boyfriend sa edad na 47.

Jean is mom to two children, the elder one of whom is Jennica, who has given her first grandchild, nearly two-year-old Mori.

Kasal na si Jennica sa aktor na si Alwyn Uytingco.

Ang bunso naman niya ay si Kotaro na 10 years old.

Habang ang dating Regal Baby na si Jigo Garcia ang ama ni Jennica, isang hapon naman ang ama ni Kotaro.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with