Operasyon vs. ‘Maute Group’, ituluy-tuloy lang!
Hanggang kahapon umaabot na sa 49 miyembro ng ng mga teroristang kabilang sa ‘Maute group’ ang napatay, habang 21 sundao ang sugatan sa ilang araw na bakbakan ng magkabilang panig sa Bulig, Lanao del Sur.
Mistulang lumiliit na ang lugar na ginagalawan o pinagtataguan ng naturang grupo dahil umaabante na nang husto ang pwersa ng gobyerno.
Ang hirap lang dyan, sinasabing may mga symphatizers ang grupong ito lalo sa nabanggit na lugar .
Hindi nga ba’t ilang miyembro rin ng ‘Maute Group’ ang idinadawit sa naganap na pagpapasabog kamakailan sa Davao City kung saan 15 katao ang nasawi habang 70 ang nasugatan.
Sa nakuhang improvised explosive device (IED) malapit sa US Embassy noong Lunes.
sinisilip din ang pagkakasangkot dito ng nabanggit na grupo.
Ganito raw kasi ang istilo nang panggugulo at panglilito ng grupo.
Noon lamang nakalipas na linggo nagtaas ng kanilang bandera ang naturang grupo na sumakop sa lumang munisipyo ng Butnig sa Lanao del Sur at maging sa ilan pang mga abandonadong gusali sa nasabing bayan.
Uminit ang bakbakan ng grupo at puwersa ng militar , pero ang ilan nga sa nagiging sagabal sa operasyon ay ang mga itinanim na bomba ng naturang grupo.
May nagkalat ding mga snipper ang grupong ito na siyang tumatarget sa mga papasok o paabanteng mga sundalo.
Hindi na dapat tantanan ng militar ang operasyon laban sa grupong ito, wag nang papormahin, dahil baka magparami at magpalakas pa nang husto, tulad ng ibang grupo na ngayon ay namamagyagpag sa ibat-ibang lugar sa Mindanao na hirap na ngayong masawata. Tulad ng operasyon sa Abu Sayyaf, wag nang tantanan o tigilan, baka sa huli ay lalo pang lumaki ang problema na mahiraop nang solusyunan.
- Latest