^

PM Sports

24-swimming gold nakataya sa Batang Pinoy opening

Francisco Cagape - Pang-masa

TAGUM CITY, Philippines – Mahigit 24 gintong medalya ang pag-agawan ngayon sa pagbubukas ng swimming competition ng 2016 Batang Pinoy National Finals na sisimulan sa Davao del Norte Sports and Tourism Complex ngayon dito.

Sanabi ni PSC exe-cutive assistant Ronald Abrenica na hindi pa kumpirmado ang pagdalo ni Pangulong Rody Duterte, ngunit sa ginawa na nilang programa ay si House of Representatives Speaker Pantaleon “Bebot” Alvarez ang guest of honor.

Bukod kay Philippine Sports Commission (PSC) chairman William “Butch” Ramirez at commissioners Ramon Fernandez, Celia Kiram, Charles Maxey at Arnold Agustin, Davao del Norte Gov. Anthony del Rosario at ibang sports officials at government leaders kabilang na si Tagum City Mayor Allan Rellon sa mga dadalo sa opening day rites.

Umabot sa 14,390 athleta ang sumali sa 2016 edisyon ng taon ng paligsahan para sa mga batang atleta na may edad 17-anyos pababa. Sila ay magtatagisan ng husay sa 26 sports disciplines kabilang na ang archery, arnis, athletics, badminton, baseball, basketball (3-on-3), boxing, chess, cycling, dance-sports, judo, karatedo, lawn tennis, pencak silat, rugby, sepak takraw, softball, swimming, table tennis, taekwondo, triathlon, volleyball, weighlifting, wrestling, wushu at gymnastics.

Ayon kay Philippine Sports commissioner  Kiram, ang project in-charge sa anim na araw sports competition, ito na ang pinakamaraming participants sa  taunang paligsahan mula  noong 1999 na sinalihan lamang ng 700 atleta sa Bacolod City. Ang pagdaraos sa Batang Pinoy ay bunga sa Executive Order no. 44 na nilagdaan ni dating pangulo Joseph Estrada noong 1998.

 

DAVAO DEL NORTE SPORTS AND TOURISM COMPLEX

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with