^

Pang Movies

Pag-iingay ng indie starlet na si Mercedes Cabral hindi bumenta!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Pag-iingay ng indie starlet na si Mercedes Cabral hindi bumenta!
Mercedes Cabral

Hindi nagtagumpay ang indie starlet na si Mercedes Cabral na pansinin ang ratrat kay Mother Lily Monteverde sa kanyang Facebook account.

Walang reaksyon ang Regal producer. Hindi rin naman kasi niya kilala ang indie starlet, huh!

Mas marami nga ang dumipensa kay Mother na nagpahayag lang ng opinion sa napiling entries sa 2016 Metro Manila Film Festival (MMFF). Wala naman pagtatalak na nagmula sa producer.

Eh kung ‘yung mga indie producer, nagagawang magpahayag ng opinion nila, aba, mas may karapatan si Mother na ilang dekada na sa movie industry, huh!

Pero itong indie starlet, akala mo may box-office hits na, sangkatutak na ang acting awards at mabenta sa paggawa ng pelikula, huh!

Feeling niya siguro, ang claim to fame niya ay ang pagbuyangyang ng buong kaluluwa sa ginawang indie, huh! Naku, binalandra na nga niya ang buong kaluluwa, waley pa rin siyang career!

Akala ng indie starlet na ito, kayang-kaya niya si Mother Lily. Hindi man siya buweltahan ng producer, marami namang babanat sa kanya na natikman niya nang kumalat na ang kanyang litanya!

Kung idiot si Mother, ano kaya tawag sa sarili ng indie starlet? Bago kasi mag-post sa social media account, dapat mag-isip nang husto ang indie starlet.

Eh, may entry siya sa filmfest so ang ibig sabihin, nag-iingay upang mapag-usapan ang movie, huh! May kahinatnan sana ang pag-iingay niya para hindi langawin ang indie movie niya, huh!

Dokyu tungkol sa mga ‘beauty queen’ apat na taon bago natapos 

Mabuti pa ang producers ng isang festival entry na Sunday Beauty Queen. Walang poot sa kanilang dibdib kahit sabihin ni Mother Lily na hindi pang-Christmas ang ibang entries ngayon.

Sa halip ay nagpapasalamat ang filmmaker na si Baby Ruth Villarama na napiling entry ng docu film nila tungkol sa OFWs sa Hong Kong na sumasali sa beauty contest tuwing Sunday.

Ayon kay Baby Ruth, four years in the making ang docu na ginawa. Ubus-ubos na raw ang budget nila pero hindi pa rin sila nawalan ng pag-asang matatapos ito. May mga tumulong naman daw sa kanilang film producers sa Hong Kong at nang pumasok na ang TBA, saka sila nagkaroon ng mahaba-habang pisi upang matapos ‘yon.

“Hindi lang basta documentary ito. Naniniwala kaming may magandang kuwento ito at aral na matutunan dahil tungkol ito sa buhay ng OFWs. Sumasali sila sa beauty contest at may isang contestant na natanggal sa trabaho dahil hindi agad nakauwi sa mga amo nila,” sabi ng filmmaker.

Wala man silang artista na lumabas sa docu, gagawin naman daw nila ang iba’t ibang promotions nang sa gayun, lumikha ng ingay ang movie sa Parade of Stars.

After ng 2016 MMFF, isinali rin ni Villarama sa Busan International Film Festival ang Sunday Beauty Queen.

Baguhang loveteam sala sa init, sala sa lamig ang ugali!

Blow hot, blow cold ang isang magka-loveteam kapag bumabati sa mga katrabaho sa showbiz. Minsan, magiliw at minsan naman, dedma. Pero ang ikinaloloka ng mga katrabaho, salitan ng mood ang reel and real couple, huh!

Say ng isang involved sa production, kapag binati ang guy, at magiliw si­yang tumugon sa bati, once ang girl naman ang binati, parang lagusan sa hangin ang tingin niya.

Kapag ang girl naman ang binati at bumibeso, aba, ang lalaki naman ang dedma sa bumati sa kanya, huh!

Eh sabi tuloy ng katrabaho, ke bagu-bago sa showbiz, may attitude na sa pakikitungo sa katrabaho, huh! Ano pa kung sumikat na sila? Sabay na silang mag-iisnab sa greeters nila, huh!

MERCEDES CABRAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with