Suplay ng sibuyas, sapat - DA
MANILA, Philippines – Sapat umano ang suplay ng sibuyas at walang nagaganap na krisis sa lalawigan ng Nueva Ecoja.
Ito ang nilinaw ni Serafin Santos, hepe ng Office of Provincial Agriculture ng Department of Agriculture (DA) hinggil sa napabalitang may krisis sa sibuyas sa lalawigan dahil sa umanoy nagaganap na hoarding sa probinsya.
“Walang katotohanan ang ibinibintang na pagtatago ng sibuyas sa mga imbakan dito at maayos na napapangasiwaan ng mga sibuyas farmers ng Nueva Ecija ang pagkakaroon ng patuloy na sapat na suplay ng produkto kayat walang krisis ng sibuyas sa lalawigan” ni Santos.
Niliwanag ni Santos na noong nagdaang Agosto ngayong taon ay nag-anihan ng sibuyas at kasalukuyang nagtatanim na ang mga magsasaka kaya hindi sila apektado ng mababang presyuhan sa ngayon ng sibuyas.
Kaya’t ang talagang maaapektuhan ay yung mga traders at hindi ang mga magsasaka dahil ang mga nakaimbak na sibuyas ngayon ay pag-aari ng mga traders.
Nanawagan naman si Nueva Ecija Governor Czarina “Cherry” D. Umali sa Malakanyang na tiyakin ang proteksyon sa mga magsasaka laban sa pamemeste at unos na pumipinsala sa kabuhayan dahil ang lalawigan ang pangunahing producer ng sibuyas sa buong bansa dahil humigit-kumulang 1,577 ektarya ang sibuyasan ng buong probinsya.
- Latest