Digong inimbitahan ang Chinese president sa Pinas
MANILA, Philippines – Sa ginanap na bilateral talks nina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping sa sidelines ng APEC Summit sa Lima, Peru ay inimbitahan ng una ang huli na bumisita sa bansa.
“We would be happy to see you in my country,” wika pa ni Pangulong Duterte kay President Xi sa kanilang bilateral talks sa Peru.
Nagpasalamat din si Duterte kay Xi sa mainit na pagtanggap sa kanya noong state visit nito sa Beijing.
“And as I have given you my word, we will cooperate with you. And I said, with my thrust of an independent foreign policy, we will find ourselves mutually agreeing on so many things and align our foreign policy towards the development of Asia, strengthening of ties among countries in the region, with China leading the way in the economic development,” wika pa ni Duterte.
Matapos ang pagbisita ni Duterte sa China ay malaya nang nakakapangisda ang mga Filipino fishermen sa Scaborough Shoal at hindi na sila itinataboy ng nagbabantay na Chinese Coast Guard.
Inimbitahan din ni Xi si Duterte na sumama sa 2017 BRICS conference kasama ang Brazil, Russia, India, China at South Africa at nagpahiwatig din ang una na resolbahin ang sigalot sa teritoryo sa South China Sea sa pamamagitan ng bilateral talks.
Samantala, sinabi ni Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay Jr., na pansamantalang isasantabi muna ng Pilipinas ang usapin ng agawan ng teritory sa South China Sea.
Pinayagan ng China na malayang mangisda ang mga Filipino sa Panatag Shoal kasabay ang pangako na tutulungan sa livelihood training ang mga mangingisdang Pinoy.
- Latest