3 dedo sa drug war
MANILA, Philippines – Napatay ang tatlong drug pusher nang manlaban umano sa magkahiwalay na anti-drug operations sa Quezon City at Maynila kamakalawa.
Ang mga nasawing suspek ay kinilalang sina Alex Advincula, alyas Akong, 33, ng Sampaguita Extension, Area-A, Brgy. Payatas; at Richard Dela Peña, ng Brgy. Bagbag.
Sa unang insidente ay naganap dakong alas-6:05 ng gabi na kung saan ay nagpanggap na bibili ng shabu ang isang pulis kay Advincula sa halagang P500 sa loob mismo ng kanyang bahay at nang magkaabutan ay nakatunog ito na may mga pulis sa paligid kaya’t bumunot ito ng baril na nauwi sa shootout at nasapol ito at nasawi.
Dakong alas-9:05 ng gabi nang mapatay naman ang suspek na si Dela Peña sa harap ng isang bahay sa no. 25 V. Bernardino St., Brgy. Bagbag, QC nang manlaban din sa buy bust.
Napatay naman ng MPD-Station 2 ang suspek na si Renato de Leon, 31, ng Pier 2, Gate 10, Parola Compound, Tondo, Maynila nang matiyempuhan na nagbebenta ng shabu ng mga pulis kahapon ng umaga.
Sa ulat, dakong alas-9:00 ng umaga ay nagsagawa ng anti-criminality operation ang mga tauhan ng Delpan Police Community Precint nang maaktuhan ang nadaanan na mga lalaki na nag-aabutan ng iligal na droga.
Nagkaniya-kaniyang takbo at si De Leon ay inabutan ng mga pulis nang pumasok sa kaniyang bahay ay pinagbabaril ang mga humahabol na pulis na ginantihan at napatay.
- Latest