^

Punto Mo

Paglibing kay Makoy, sambayanan nagulat!

K KA LANG? - Non Alquitran - Pang-masa

FLASH Report: Dapat lang sigurong i-boykot ng taga-Angono, Rizal itong peryahan ni Aling Toyang na makikita malapit sa pelengke ng bayan kung ayaw nilang matulad sa sinapit ni Rogelio Yumul na pinatay ng  mga poste ng una noong Sept. 22. Hindi lang ‘yan! T’yak maghahabol sa ginastos na P150,000 sa pamilya ni Yumul itong si Aling Toyang kaya’t may posibilidad na dadayain nila ang mga parukyano nila, di ba Angono Mayor Gerardo Calderon Sir? Kung wala kasing tataya sa drop ball at tatlong lamesang color games sa peryahan ni Aling Toyang, matutulungan ng taga-Angono na mabigyan ng hustisya itong pagkamatay ni Yumul, di ba mga kosa? Napadpad lang sa Angono itong si Yumul para magtinda ng kalakal at kumita ng konti subalit sa kasamaang palad ay minalas siya. Ang peryahan ni Aling Toyang ay magbubukas hanggang sa kapistahan ng Angono sa Nov. 23 at 24 at dapat iwasan ito ng mga mananaya bago mapatay sila ng mga lasing na poste ng una, tulad ng nangyari kay Yumul.

* * *

Nagulantang ang sambayanan nang biglang ilibing si dating Pres. Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani (LNMB) noong Biyernes at hanggang ngayon ay nagkakamot pa ng kanilang ulo ang mga anti-Marcos group dahil sa sila ay naisahan. Ni hindi man lang nakapag-prepara o nakagawa man lang ng hakbangin ang anti-Marcos groups para harangin ang pagli-bing ni Marcos dahil hindi man lang nag-leak ang plano maging sa hanay ng pamilya Marcos, militar at kapulisan. Ang galing nila no mga kosa? Hehehe! Kung natunugan lang ng anti-Marcos groups na ililibing na si Marcos, tiyak ang lahat nang paraan ay gagawin nila para matigil ang paglilibing sa dating lider, di ba mga kosa? Kaya kahit anong ingay pa ang gawin ng anti-Marcos groups, magsasayang lang sila ng oras at pawis dahil tahimik nang nakahimlay ang bangkay ni Marcos sa sa LNMB. Magsasayang lang ng laway ang mga anti-Marcos groups dahil hindi na matitinag ang libingan ni Marcos dahil babantayan ito ng military at PNP hanggang sa makalimutan na ng sambayanan ang mga ginawa ni Makoy noong martial law, di ba mga kosa? Punyeta! Hanggang kailan magkawatak-watak itong hanay nating mga Pinoy?

Inilibing si Marcos matapos magpalabas ng 9-5 desisyon ang Korte Suprema na walang batas na nagbabawal nito. Sinabi ni Atty. Theodore Te, spokesman ng High Tribunal, na wala namang nag-file ng motion for reconsideration kaya hindi napigilan ng korte ang pagpalibing sa dating lider. Pero sa totoo lang, mahina ang intelligence nitong mga kalaban ni Marcos dahil hindi nila natunugan ang biglaang paglibing sa deposed leader, di ba kaibigang Silvestre Rambo Labay Sir? Imagine, walang nakatutok sa kanila sa pamilyang Marcos sa Laoag City, wala rin silang asset sa loob ng liderato ng military at PNP. Anong sey mo Rambo? Punyeta! Kahit anong isyu pa ang ilalabas nitong anti-Marcos groups ay hindi na nila mabungkal pa ang bangkay ni Marcos, di ba mga kosa? Itong init ng damdamin ng anti-Marcos ay huhupa rin tulad ng pagbalik ng pamilya niya sa bansa at nahalal pa sa Kongreso at Senado matapos ang mga akusasyon laban kay Marcos na plunder, murder at kung anu-ano pa. Tumpak!

Sa pagkaalam ko, sina Ilocos Norte Gov. Imee Marcos at NCRPO director Chief Supt. Oscar Albayalde ang may malaking papel na ginampanan sa matahimik na paglibing kay Makoy. Siyempre, kahit i-deny pa ito ng Palasyo, may alam si Digong at ilang opisyal ng militar at PNP. Ayon kay Albayalde, ang wish lang ni Imee ay maging simple at private ang paglibing sa tatay niya at natupad naman. Hindi na dapat purihin si Albayalde sa peaceful and orderly na paglilibing kay Marcos dahil ginampanan lang niya ang trabaho. Kung nag-leak ang planong paglibing kay Makoy, tiyak nagkagulo na naman ang ating bansa. Boom Panes! Abangan!

PAGLIBING KAY MAKOY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with