^

Bansa

Daan-daang Marcos loyalist dumagsa sa LNMB

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Daan-daang Marcos loyalist ang dumating kahapon sa puntod ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos upang magbigay pugay matapos ilibing ito noong Biyernes ng tanghali sa Libingan Ng Mga Bayani (LNMB)  sa Fort Bonifacio, Taguig City.

Mula sa ibat-ibang bayan ng lalawigan ng Ilocos Norte, alas-7:00 ng umaga nang dumating sa LNMB ang 70 pampasaherong bus, sakay ang grupo ng mga Marcos loyalist, na nakasuot  ang mga ito ng kulay pula at puting t-shirts.

Pinayagang makapasok ng mga nagbabantay na mga tauhan ng National Capital Region Police Office at Armed Forces of the Phillipines (NCRPO-AFP) ang mga Marcos loyalist sa naturang libingan  matapos pahintulutan ito ng pamilya Marcos.

Nagtungo ang mga lo­yalista  sa puntod ng dating pangulo at alas-8:00 ng umaga ay idinaos dito ang isang misa.

Makalipas ang dalawang oras bandang alas-10:00 ng umaga ay dumating naman sina Ilocos Norte Go­vernor Imee Marcos; dating Senador BongBong; dating First Lady Imelda Marcos at  mga kaanak at  nagdaos din ng misa sa puntod ng dating pangulo.

Todo bantay dito ang mga tauhan ng NCRPO at Civil Disturbance Management (CDM) ng Sou­thern Police District para panatilihin ang seguridad,  kaayusan at kapayapaan dito.

LIBINGAN NG MGA BAYANI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with