^

Pang Movies

Mga Pinoy at ilang celeb todo rampa sa Japan

Joe Barameda - Pang-masa

MANILA, Philippines - Marami sa mga artista at mga kapwa Pinoy ang nagbakasyon sa ibang bansa para samantalahin ang apat na araw na bakasyon. Pero mas maramin g nagpunta sa Japan gaya ng ilang artista ng Pepito Manaloto sa pangunguna ng pamilya nina Michael V at Manilyn Reynes.

Talagang pinaghandaan ng grupo ang bakasyon dahil well organized at nakalatag ang mga lugar na pupuntahan nila gaya ng Tokyo Disneyland at sa lugar ng Mt Fuji.
Nasa Tokyo area rin sina Ogie Alcasid at Regine Velasquez kasama ang anak na si Nate at sa historic Imperial Palace Hotel sila nanuluyan. Nandun din ang pamilya ni Franco Laurel at Ayen Munji. Si Aljur Abrenica ay nag-post din ng ilang lugar sa Shibuya.

Sina Sylvia Sanchez at pamilya ay nandoon din pero sa Osaka naman sila nag-ikot
Marami ring Pinoy ang naroroon at ini-enjoy ang malamig na simoy ng hangin. Ramdam namin ang saya nila doon sa mga picture na pinost nila. Na-miss ko tuloy ang Japan.

Rodjun at Diane parang mag-asawa na

Hindi na kami magugulat kung biglang magpakasal sina Rodjun Cruz at Diane Medina. Napapansin kasi namin na madalas na makipag-bonding ang Kapuso hunk na si Rodjun Cruz sa relatives ng kanyang longtime girlfriend na si Dianne Medina.

Tulad na lamang ng post ng aktor kamakailan kung saan may caption siya na: “Chill night w/ medina girls @dianne_medina @maxine_medina @katmed28 @fericamedina.” Hindi naman kami nagtataka if this will happen na rin dahil bukod sa patatag nang patatag ang kanilang relationship, bagay na bagay naman talaga ang Encantadia star sa dalaga.

Para na ngang mag-asawa ang dalawa at kulang na lang ay kasal at baby.      

vuukle comment

PINOY CELEB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with