Advice ng professional
Mahalaga talaga ang porma ng isang empleyado sa pagpasok nito sa trabaho o opisina maging accessories na isinusuot nito.
Kaya siguruhin na sakto lang ang suot na eye glasses. Yung hindi dumudulas sa ilong kaya panay din ang adjust ng taas o baba ng suot na eye glasses na nakakaabala sa iyong ginagawa. Baka naman hindi rin ito pantay dahil mas mapababa lang ang isang side o malaki lalo na kung binili lang ito sa bangketa.
Bigyan din ng tuon ang gamit na bag o briefcase. Dahil sino ba ang gustong magulo o naghahalu-halo na ang mga gamit sa loob ng bag. Panatiliin na malinis ang loob ng bag, lalo na kung wala itong zipper dahil magkakaroon ng pagkakataon ang iba na masilip ang laman nito oras-oras. Advice rin ng mga professional na hanggang maaari ay huwag magsusuot ng knapsack dahil nagmumukhang college student kapag bitbit ito sa iyong likod. Pero marami na rin ang gawang style na knapsack na pumili lang ng babagay sa personality o kung saan ito gagamitin.
- Latest