^

Para Malibang

House Of Death (55)

HOUSE OF DEATH - Gilda Olividado - Pang-masa

HINDI nga ordinary ang bilis at lakas ni Temyong habang pumapanhik sa mala­king puno.

Kahit kitang-kitang doon nakatuntong ang kaluluwa ni Benilda at nanlilisik ang mga mata sa kanila, pagda­ting sa itaas, itong sanga na ito ang pinutol gamit ang itak.

Galit na galit habang ginagawa ito ni Temyong. Hindi ordinaryo ang lakas ng bawat bagsak ng itak.

Hindi naman nagpapatalo si Benilda. Patuloy pa rin ang paggamit ng sariling kapangyarihan.

Pinapauga ang puno, naglalaglagan ang mga dahon at maliliit na sanga, ang lupang kung saan nakalibing ang mga ugat ng puno ay yumayanig din.

Lumayo sa puno si Azon at mga anak.

Walang nagpo-possess sa mga ito ngayon.

Takot sila kay Benilda, sa galit nito. Kita nila ang pagpapayanig nito sa puno, sa lupang kinatitirikan.

Kita nila ang mga mata nitong nanlilisik sa kanila sa galit.

Pero nagawa pa rin ng possessed na si Temyong na tuluyang maputol ang sanga.

Bumagsak sa lupa ang malaking sanga. Kaybilis ding bumaba sa puno ni Temyong.

At humalakhak sa katuwaan. Parang galing sa ilalim ng libingan ang tawa nito, ang boses.

“HARHARHARRRR! Aming panginoon, ngayon din ay gagawin namin ang makapangyarihan mong imahe! Walang nagawa si Benilda, hindi niya napigil!”

Alalang-alala sina Mario habang nakikita ang nangyayari sa bakuran.

“Kailangang mapigil ko ang balak niyang paggawa ng masamang imahe, Anna!”

“Baka pagtulungan ka nila, sasamahan kita!”

“Kailangan ng mga bata ang kasama rito!”

Sumabad ang panganay. “Itay, kaya ko nang protektahan ang mga kapatid ko. May koryente pa naman, may araw at may mga dasal! Isama n’yo na lang si Inay para may tutulong sa inyo.”

“Sigurado ka, Gela?”

“Opo. Ang importante  ho, maharang ninyo ang masamang plano nila. Hindi dapat magkaroon ng imahe ng kasamaan!” Itutuloy

 

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with