SEABA Women’s title isinubi ng Perlas Pilipinas
MANILA, Philippines – Matapos ang anim na taon ay muling naisuot ng mga Pinay sa kanilang leeg ang gintong medalya ng SEABA Women’s Championship.
Bumandera sina Allana Lim, Afril Bernardino at Ambi Almazan para tulungan ang Perlas Pilipinas sa 77-73 paggupo sa Malaysia na kumumpleto ng kanilang five-game sweep sa naturang week-long tournament sa Malacca, Malaysia noong Sabado ng gabi.
Umiskor si Lim ng 16 points para sa nasabing panalo ng Perlas Pilipinas habang kumolekta si Bernardino ng 14 points at 10 boards at humakot naman si Almazan ng 10 points at 12 rebounds.
Nauna nang pinabagsak ng Nationals ang Singapore, 69-43; Laos, 179-32; Vietnam, 134-56; at Indonesia, 72-56.
“I’m happy for the girls. I’m happy for our supporter, Blackwater and I’m happy for the country. We did it,” sabi ni head coach Patrick Aquino.
Naduplika ng tropa ni Aquino ang pagrereyna ng grupo nina Cassie Tioseco, Melissa Jacobs at Nita Grajales at coach Heidi Ong noong 2010 sa Ninoy Aquino Stadium.
Kinuha ng Nationals ang 20-point lead, 71-51, sa pagbubukas ng fourth quarter bago naghulog ang mga Malaysians ng 11-0 bomba para makadikit sa 73-77 agwat matapos maimintis ni Raiza Dy ang isang easy basket.
Ang krusyal na turnover ng Malaysia ang tulu-yan nang sumelyo sa tagumpay ng Perlas Pilipinas.
Binanderahan nina Behind Lim at Bernardino ang pamamayagpag ng Nationals sa first half para ilista ang nine-point lead, 43-34, laban sa Malaysians.
Nakalayo ang Perlas Pilipinas sa 64-49 sa third quarter mula sa buzzer-beating shot ni Shelley Gupilan patu-ngo sa pagtatayo ng 71-51 kalamangan sa final canto.
- Latest