^

Pang Movies

Miss USA 2015 Olivia, na-miss si Pia!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Dito sa Pilipinas nag-celebrate ng kanyang 27th birthday si Miss Universe 2015 na si Pia Alonzo Wurtzbach. Maraming commitments si Pia dito sa bansa kaya dito na siya inabutan ng kanyang kaarawan.

Isa sa naka-miss kay Pia ay ang kanyang best friend, si Miss USA 2015 na si Olivia Jordan.

Si Olivia ang 2nd runner-up noong Miss Universe 2015 at naging roommate ni Pia. Parati silang magkasama sa mga special event ng Miss Universe Organization at nagkasama na sila sa ilang pag-travel sa iba’t ibang bansa at isa sa hilig nila ay ang mag-shopping.

Nakaramdam ng separation anxiety o sepanx si Olivia dahil wala sa kanyang tabi si Pia noong mag-celebrate ito ng birthday.

Kaya sa pamamagitan ng social media ay nagpadala ng special birthday message si Olivia kay Pia o kung tawagin niya, “the woman I look up to”.

“Wishing you the happiest birthday @piawurtzbach. Last year you charmed the entire Universe, can’t wait to see what you will do this year. I’m sure it will be nothing short of incredible! Miss your beautiful face; I wish I could be there for all the shenanigans. I hope pizza and fro-yo are on the list!! Xoxoxo #olipia #sepanx is real!!!!!” post pa ni Olivia Jordan.

Paolo nanibago sa pagiging mabait

For a change ay hindi kontrabida si Paolo Contis sa teleserye na Alyas Robin Hood. Kung nasanay na raw ang marami na parati siyang kontrabida kay Dingdong Dantes, ngayon daw ay iba na ang gagampanan niyang character.

Isang good cop ang role ni Paolo at siya ang mag-imbestiga sa mga vigilante works ng character ni Dingdong.

Naniniwala si Paolo na may mga pulis sa totoong buhay na katulad ng role niya.

Child actor na si Pao-Pao mina-mani ang boses ni Mike Enriquez

Marami ang cute na cute sa child actor na si Yuan Francisco o mas kilala bilang si “Boom, Boom, Pow!” sa Downy TV commercial.

Kasama sa cast ng Encantadia si Yuan bilang si Pao-Pao, ang may hawak ng ikalimang brilyante ng Encantadia. Ilang beses na siyang lumabas sa naturang telefantasya at siya ang nagligtas kay Sanggre Amihan (Kylie Padilla) sa kamatayan.

Six years old pa lang si Yuan pero naka-anim na TV commercials at print ads na siya sa loob ng dalawang taon.

Na-discover si Yuan ng isang talent scout sa isang mall at doon na raw nagsimula ang paggawa niya ng sunud-sunod na TV commercials. Sumali rin ito sa season two ng It’s Showtime Mini-Me.

Isa sa talents din ni Yuan ay ang gayahin ang kanyang idol na si Alden Richards at 24 Oras anchor na si Mike Enriquez.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with