Bagyong Helen, tinututukan
MANILA, Philippines – Inihayag ni PCO Sec. Martin Andanar na nakatutok ang gobyerno sa bagyong Helen na tinatahak muli ang direksyon ang Batanes.
Anya, nakahanda ang NDRRMC gayundin ang Department of Social Welfare and Development sa pagtiyak na makapaghatid ng tulong sa maaapektuhan ng bagyong Helen.
Idinagdag pa ni Andanar, bagamat hindi naman magla-landfall ang bagyo ay patuloy pa din ang monitoring ng ibat ibang ahensiya ng gobyerno.
“We are continually monitoring itong bagyo. At ito po’y sa pangunguna ni Undersecretary Ric Jalad. At ang ating DSWD ay handa naman para tumugon sa anumang problema kung ito po ay mag-landfall o hindi,” dagdag pa ni Andanar.
Ayon naman sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na napanatili ng bagyong Helen ang kanyang lakas sa signal no.1 habang tinatahak ang Batanes at Babuyan Group of Islands na makakaranas ng mga pag-ulan at pagbugso ng hangin sa loob ng 36 na oras. Ang lakas ng hangin ay umaabot sa 140 km per hour samantalang ang gustiness ay umabot sa 175 km per hour.
Inaasahang kikilos ito sa kanluran hilagang kanluran habang patungo sa Batanes Taiwan area.
- Latest