Noynoy huwag idamay sa drug trade sa Bilibid - solon
MANILA, Philippines – ‘Huwag idamay si dating pangulong Noynoy Aquino sa kalakaran ng ilegal na droga sa National Bilibid Prison (NBP)’.
Ito ang naging babala ni Ifugao Rep. Teddy Baguilat, at dapat ay magdahan-dahan ang administrasyong Duterte na kapag dinamay si Aquino ay hindi na nila alam kung ano ang mangyayari bagamat hindi naman nito masabi kung ano mga mga posibleng mangyari.
Anya, hindi lang ang ilang mambabatas mula sa LP ang posibleng isangkot kundi maging ang malalapit sa dating pangulo at sa mga opisyal nito.
Ang reaksyon ni Baguilat ay kaugnay sa pahayag ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na may mas mataas pa kay Senator Leila De Lima na nakinabang mula sa illegal na kalakaran ng droga sa Bilibid na hindi nito tinukoy dahil patuloy ang imbestigasyon ng Kongreso.
Samantala, tikom ang bibig ng Malacañang sa banta ni Baguilat kaya’t ayaw magbigay ng komento si Presidential Communications Secretary Martin Andanar nang tanungin kung umaasa ba sila na may mas mataas pa kay De Lima ang posibleng masangkot.
- Latest