^

Police Metro

Drug lord nadakip

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Bumagsak sa kamay ng mga otoridad ang isang drug lord na nakabase sa lalawigan ng Mindanao nang pinagsanib na mga operatiba ng pulisya at National Bureau of Investigation sa pinagtataguan nito sa Brgy. Tinago, Dauis, Bohol kahapon ng mada­ling araw.

Ang nasakoteng suspek ay kinilalang si Ramil Mulleon, 42, ng San Fernando, Bukidnon.

Bago naaresto ang suspek pasado alas-12:10 ng madaling araw sa isang lodging inn sa Brgy. Tinago ng bayang ito ay nakatanggap ng impormasyon ang mga otoridad na sa bayan ng Dauis nagtatago ang suspek na talamak na nagtutulak ng droga sa lalawigan ng Bohol.

Hindi na nakapalag ang suspek matapos na makorner ng arresting team ng pulisya at ng mga elemento ng NBI Regional Office  sa nasabing lungsod.

Nakumpiska mula sa suspek ang sampung pi­raso ng maliliit na plastic na naglalaman ng shabu.

Inamin naman ng suspek na dati siyang drug lord pero huminto na umano sa operasyon matapos na maupo sa puwesto si Pa­ngulong Rodrigo Duterte noong Hulyo 1 ng taong ito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with