Kelot utas sa love triangle
MANILA, Philippines – Dalawang bala ang tumapos sa buhay ni Jefferson Guban, 22, ng Peralta St., Balut, Tondo, Maynila matapos na ito ay barilin ng dating asawa ng kanyang kinakasama na naganap kamakalawa ng gabi.
Ang suspek na bugbog sarado sa taumbayan at dinala sa Tondo Medical Center ay kinilalang si Jerry Manding, 42, tricycle driver, residente ng Banahaw St., Tondo, Maynila.
Batay sa ulat, bago nangyari ang insidente dakong alas-6:00 ng gabi sa Del Fierro St., kanto ng Earnshaw St., Gagalangin ay nagmamaneho ng kaniyang bisikleta ang biktima papauwi sa kanilang bahay nang harangin at barilin ng dalawang beses ng suspek.
Nakita ito ng mga tao sa lugar at kinuyog nila ang suspek at hanggang sa may isa na sumaksak ng ice pick dito bago naaresto.
Nabatid na ang suspek ay may 5 anak sa isang Michelle Garcia, 32, bago nakisama sa biktima na kung saan ay una nang nagbanta ang una na pagsisisihan nito ang pakikisama sa biktima.
- Latest